Thursday, December 2, 2010

Mga Pinsan Ko

1. Matuto tayong maging mga disiplinado.

            Katulad: Jefferson Mariano #2
            Iba pang ideya:
                        a. Magtipid ng Pera.
                        b. Magbayad ng tamang buwis
            Link: http://rocknstop.posterous.com/

2. Pagtuonan ng pansin ang mga estudyante sapagkat sila ang pag-asa ng bayan.

            Katulad: Lennart Panton #7
            Iba pang ideya:
                        a. Ang pagkutya sa ibang tao ay isang mortal na kasalanan.
                        b. Respeto ang pinaka importanteng bagay sa lahat.
            Link: http://panpilrakenroll.blogspot.com/

3. Huwag nang tangkilikin ang mga bagay na nakakaadik.

            Katulad: Dina De Dios #3
            Iba pang ideya:
                        a. Pahalagahan ang buhay ng tao sapagkat ito ay maikli lamang.
                        b. Huwag magsayang ng oras, lalo na sa mga walang saysay na bagay.
           
4. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

            Katulad: Lenin Gabriel #5
            Iba pang ideya:
a.      Dapat mabawasan ang bilang ng mahihirap sa bansa.
b.      Dapat sugpuin ang korupsyon sa pamahalaan.

5. Panatilihing malusog ang pangangatawan.

            Katulad: Angeli Dalumpines #3
            Iba pang ideya:
a.      Ang budget ng UP, at ng iba pang SUCs, ay hindi dapat kaltasan.
b.      Ang mga desisyon ng mga tao ay dapat igalang.

6. Maging responsible tayong mga mamamayan.

            Katulad: Gama Garcia #2
            Iba pang ideya:
a.      Kailangan magkaroon ng mas marami pang negosyo ang Pilipinas.
b.      Paunlarin ang bansang Pilipinas.

7. Pag-ibayuhin ang mga nakaugalian na nating mga tradisyon.

            Katulad: Wala
            Iba pang ideya:
a.      ---
b.      ---
Link: ---

Mga Ninuno Ko

Utos:
1. Matuto tayong maging mga disiplinado.

            a. Katumbas na ideya: Ang mga mahuhusay na tao at kanilang mga tagumpay ay nagmumula sa kanilang pagiging disiplinado.

            b. Maikling bio: Si Harry S. Truman, na ipinanganal noong May 8, 1884, ay ang ika-33 na pangulo ng Estados Unidos.

            c. Iba pang mga ideya:
                        i. Huwag pipilitin ang hindi kayang gawin.
            ii. Walang pagsisisihan sa isang gawaing nagawa para sa nakabubuti ng mas marami.

2. Pagtuonan ng pansin ang mga estudyante sapagkat sila ang pag-asa ng bayan.

            a. Ang kaalaman ng tao ay lakas.

b. Maikling bio: Si Francis Bacon ay isang pilosopong ingles na nabuhay noong Enero 22, 1561.

c. Iba pang mga ideya:
i. Ang kahit anong moral na gawain ay dulot ng natural na kagustuhan ng tao na itinutulak ng kanyang mga pananalig at pinaniniwalaan.
ii. Ang tao ay iba-iba.

3. Huwag nang tangkilikin ang mga bagay na nakakaadik.

a. Katumbas na ideya: Lahat ng bagay na nakakaadik ay masama, maski alcohol, bawal na gamot o idealism.

b. Maikling bio: Si Carl Jung ay isang swiss psychiatrist na nabuhay noong Hulyo 26, 1875.

c. Iba pang mga ideya:
i. Ang karapatang pang indibidwal ay ang nagtatali ng relasyon ng isang tao sa kanyang bayan at lipunan.
ii. Ang lubos na pagmamahal sa bayan ang nagtatanggal ng kalayaan at moralidad sa tao.

4. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

a. Katumbas na ideya: Ang isang bagay ay mabuti kung ito ay tungo sa pag preserba ng integridad, kaayusan at kagandahan ng nabubuhay na lipunan.

b. Maikling bio: Isang ecologist at pilosopong pangkalikasan si Aldo Leopold na ipinanganak noong January 11, 1887.

c. Iba pang mga ideya:
                        i. Ang kapaligiran ang nagtutulak ng pagmamahal tungo sa lipunan.
                        ii. Ang kalagayan ng lupa ang nagdidikta ng estado sa lipunan ng tao.

5. Panatilihing malusog ang pangangatawan.

            a. Katumbas na ideya: Ang pinakamahalagang kayamanan ay kalusugan.
           
b. Maikling bio: Si Virgil ay isang klasikong Romanong manunulat ng tula na nabuhay noong Oktubre 17 ng taong 70 BCE.

c. Iba pang mga ideya:
i. Ang magandang pagkakataon at swerte ay umaayon sa mga matatapang.
ii. Nasasakop ng pag-ibig ang lahat.

6. Maging responsible tayong mga mamamayan.

a. Katumbas na ideya: Ang pagkamamamayan ay binubuo ng pagsisilbi sa
bayan.

b. Maikling bio: Si Jawaharlal Nehru, na nabuhay noong Nobiyembre 14 1889, ay ang pinaka mahabang nanilbihang prime minister ng India.

c. Iba pang mga ideya:
i. Ang isang gawain, para maging makabuluhan, ay dapat nakatuon sa malinaw na kahihinatnan
ii. Ang pagsasawalang bahala ay takot sa pagbabago.
           
7. Pag-ibayuhin ang mga nakaugalian na nating mga tradisyon.

a. Katumbas na Ideya: Ang mga tradisyon ay gumagawa ng isang sosyal na kaayusan dahil sa paggawa nito ng pagpapaniwalaan ng tao at kapag mas maraming taong naniwala sa mga tradisyon na ito ay lalo pang taas ang kaayusan sa lipunan.

b. Maikling bio: Si David Emile Durkheim ay isang sociologist na nabuhay noong 1858 hanggang 1917. Siya ang nagtayo ng kaunaunahang Departamento ng Sosyolohiya sa Europa.

c. Iba pang mga ideya:
                        i. Ang relihiyon ay nagtatalaga ng kaayusan sa lipunan.
ii. Ang kultura ay nagmula sa lipunan at ito ang gumagawa ng klasipikasyon ng mga tao.

Tuesday, November 23, 2010

Pagsusuri sa Papel ni Lennart Panton

I. Pagkategorya sa mga Ideya

1. Edukasyon
2. Gobyerno at Serbisyo sa Bayan
3. Sex
  1. Dapat ipagbawal ang pagtatayo ng computer shops sa harap ng eskwelahan.
  2. Hayaan na lang na magpahaba ng buhok ang mga estudyante kung nais man nila.
  3. Manatili na lang sa 10 taong pag-aaral imbis na sa 12-taong pag-aaral.
  4. Dapat ipagbawala ang pagtuturo gamit ang PowerPoint.
  5. Ipagbawal dapat ang pagtulog sa klase.
  1. Huwag bawasan ng 1.39B ang badyet sa edukasyon, bagkus dagdagan.
  2. Huwag nang bigyan ng PorkBarrell ang mga mambabatas.
  3. Dapat patawan ng sin taxes ang mga sigarilyo.
  4. Dapat ibigay na ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka.
  5. Dapat hulihin ang mga laboy na puskal/askal.
  6. Dapat gawing legal ang Jueteng.
  7. Dapat gawing legal ang prostitusyon.
  1. Ipagbawal ang pagtuturo ng Sex Education sa elementarya.
4. Pop Culture
5. Unibersidad
  1. Dapat hindi inuurong ang araw ng paggunita sa isang Holiday.
  2. Pabayaan na lang mamuhay ng taimtim ang mga Jejemon.
  3. Dapat payagan na ang pagpapakasal ng mga taong parehas ang kasarian.
  4. Hulihin ang mga nangungutya sa mga homosexual.
  1. Dapat dalawang screening ang UPCAT.
  2. Dapat gawing konpidensiyal ang resulta sa UPCAT.
  3. Dapat lahat ng estudyante ay dumadalo sa Flag Ceremony.
  4. Sa oras na mahulo ang mag-aaral na mandaya sa pagsusulit ay agad na siyang patalsikin sa Unibersidad.
  5. Dapat ipagbawal ang mga demonstrasyon sa UP sa araw ng Martes hanggang Biyernes.
  6. Ang sinumang mahuli na gumagawa ng bandalismo ay dapat na makulong kaagad at kung ito ay estudyante ng UP ay kaagad itong patalsikin sa Unibersidad.

II. Mga Kontradiksyon

Wala siyang mga kontradiksiyong nailathala sa kanyang mga argumento.

III. Keywords

    1. Respeto
    2. Pondo
    3. Legal
    4. Bayan
    5. Integridad
    6. Nasyonalismo
    7. UP
    8. Budget
    9. Pag-aaral
    10. Tulong
    11. Pagkutya
    12. Sistema
    13. Eskwelahan
    14. Pag-unlad
    15. Tungkulin

IV. Walong Utos ni Lennart Panton

  1. Respeto ang pinaka importanteng bagay sa lahat.
  2. Iwasan ang anumang gawain na makapagpapababa sa marka sa paaralan.
  3. Ang pagpasok sa paaralan ang pinakamahalagang kontibusyon ng kabataan sa ikauunlad ng bayan.
  4. Gawing legal ang mga talamak na illegal na gawain para makatulong sa pagdaragdag ng pondo ng bansa.
  5. Ang pagkutya sa ibang tao ay isang mortal na kasalanan.
  6. Ang UP ay ang primerong unibersidad sa Pilipinas kaya ang lahat ay dapat gawin para mapanatili ang kaayusan, integridad at imahe nito.
  7. Edukasyon ang pinaka importanteng sangay ng pag-unlad at dito dapat nilalaan ang mga pondo.
  8. Ang enerhiya sa paggawa ng masasamang bagay ay dapat iayon sa paggawa ng iba pang mga bagay na mas nakabubuti.

Thursday, November 18, 2010

Bente Tres na kung anu-ano.

  1. Junk Food
- Dapat ipagbawal ang pagbebenta ng junk foods sa mga kantina ng mga pampublikong paaralan.

Argumento: 
    1. Ang junk food o sitsirya ay walang sustansiyang maibibigay sa bata para sa ikabubuti ng katawan nito.
    2. Ang mga balat o pinaglagyan ng mga ganitong pagkain ay mag dudulot lamang ng karagdagang dumi sa kapaligiran.
    3. Nahuhumaling ang mga kabataan sa pagbili nito imbis na masustansiyang pagkain dahil sa mura ito at masarap.

  1. Budget Cut
- Dapat itigil ang panukalang pagbabawas sa budget sa edukasyon para sa mga State Universities/Colleges (SUC’s).

Argumento:
    1. Magmamahal ang matrikula.
    2. Ang edukasyon na isang karapatan ay magiging isang commodity na ang mga mayayaman lamang na higit na may kayang bumili ang makakatamasa.
    3. Kaawa-awa na nga ang lagay ng karamihan sa mga SUC’s, babawasan pa ng pondo.

  1. Chewing Gum
- Bawal idura/idikit/itapon sa kung saan-saan ang nginuyang chewing gum.

Argumento:
    1. Ang laway sa chewing gum ay maaaring magdala ng air borne diseases na makasasama sa mga tao.
    2. Kapag minalas, mahirap tanggalin sa damit ang nanikit na chewing gum.
    3. Ang gamit na chewing gum ay isang basura, kaya naman ang pagtapon nito sa kahit saan ay makadudumi at makasisira sa kapaligiran.

  1. Sex Education
- Dapat ipatupad ang panukalang batas na nagsasabing ituro ang Sex Education sa elementarya at high school.

Argumento:
    1. ang pag expose sa kabataan sa mga impormasyon tungkol sa pagtatalik ay ang maaaring gumabay sa kanila sa pagdesisyon ukol sa nasabing bagay.
    2. Maaaring bumaba ang kaso ng aborsyon.
    3. Maaaring bumaba ang bilang ng populasyon dahil sa pagkalat ng kaalaman sa tamang family planning.

  1. Asong Kalye (“Askal”)
- Dapat hinuhuli ang mga asong kalye.

Argumento: 
    1. Kapag nakakagat ang askal, walang sinumang pwedeng habulin ang biktima para hingian ng tulong sa pagpapagamot.
    2. Kapag nasagasaan ang mga ito, ang kanilang mga bangkay ay maaaring magkalat ng sakit sa tao o sa iba pang hayop.
    3. Sila ay humahadlang tungo sa isang malinis na kapaligiran dahil sa walang gabay na pagtae sa kung saan-saan.

  1. Bus
- Tama lang na sila ay patawang ng “coding” o restriksyon sa pag pasada.

Argumento:
    1. Sa laki at dami nila, di hamak na sila’y isa sa mga punong dahilan ng trapik sa EDSA.
    2. Nang ipatupad ang coding, nagkaroon ng krisis sa pag commute ngunit hindi ang coding ang dahilan, bagkus ang mga kumpanya ng bus na tumigil sa pag pasada.
    3. Karamihan sa mga driver ng bus ay barumbado kaya ang pagbawas sa dami nila ay magtatalaga ng higit na kaligtasan sa commuting public.

  1. Drugs
- Bawal ang drugs.

 Argumento:
    1. Ang drugs ay nakakaadik.
    2. Malaki ang itim na industriya ng droga, na siya namang pumapatay sa ating ekonomiya.
    3. Maraming tao ang magiging walang kwenta sa lipunan dahil sa basag na buhay dahil sa drugs.

  1. Lunch Break
- Dapat may pang-unibersidad na oras pananghalian.

    1. Maraming estudyante ang hindi na nakakakain ng tanghalian dahil sa tuloy tuloy na klase na kadalasan ay pwersadong naitalaga sa kanila.
    2. Maraming pro fang hindi na nakakakain at nagkakasakit dahil sa tuloy-tuloy na pagtuturo.
    3. Kailangan ng break para maiayos ang mga dapat ayusin sa mga silid para sa panghapon na bahagi ng araw.

  1. Stipend
- Dapat may stipend na kahit P500 buwan-buwan ang mga estudyante.

Argumento:
    1. Ang perang ito ay lalong makakatulong sa mga estudyanteng may pamilyang higit na di pinagpalad sa buhay.
    2. Ang stuipend para sa karamihan ay isang motibasyon na siyang magtutulak sa pag-aaral ng mabuti.
    3. Sa hirap na dinaranas ng mga mag-aaral, kailangan nila ng kahit kaunting pampasarap sa buhay man lang.

  1. Haircut
- Dapat tanggalin ang mga haircut rule sa mga paaralan.

Argumento:
    1. Karapatan ng bwat bata na iexpress ang kanyang sarili at kanyang katawan sa anumang paraan na kanyang magugustuhan.
    2. Problema na ng bata kung pano aayusin ang sarili niya.
    3. May mga mukha na talaga namang mas bagay ang mahabang buhok.

  1. Jueteng
- Ang pagpapasa-ligal ng jueteng ay makakatulong sa ekonomiya.

Argumento:
    1. Ang jueteng ay isang talamak na sugal na nilalaro ng napakaraming tao na siya naman bubuo ng maraming kita para sa pamahalaan.
    2. Ang jueteng ay isang malaking itim na industriya na sa pagka illegal ay humihigop ng malaking pera sa gobyerno sa kawalan ng regulasyon at tax.
    3. Ang jueteng ay maaaring maging katulad ng lotto na tumutulong sa pagkawanggawa.

  1. Computer Games
- Ang paglalaro ng computer games ay nakabubuti sa tao.

Argumento:
    1. Ang paglalaro sa computer ay masasabing isang paraan ng recreation na magtatanggal ng stress na makabubuti sa kabuuang mental na kaayusan ng tao.
    2. Ang mga laro ay nagpapabuti sa koordinasyon ng isip at galaw ng sinumang naglalaro.
    3. Ang mga larong ito ay humihingi ng higit na bilis sa pag desisyon ng naglalaro, na siya namang naglilinang sa kakayahan nito sa pag diskarte.

  1. Gawaing bahay
- Dapat walang binibigay na gawaing bahay ang mga guro.

Argumento:
    1. Mas mainam ang mga gawain sa loob ng silid dahil ito ay nasusubaybayan nang mabuti ng mga guro.
    2. Ang paggawa ng gawaing bahay ay kumakain sa oras sa bahay para makapag usap-usap ang pamilya o magkakamag-anak.
    3. Ang pag check sa mga gawaing bahay ng mga estudyante ay hinahadlangan ang mga guro para makapag isip ng iba pang mga estratehiya upang maging masaya at makabuluhan ang diskusyon sa klase.

  1. Sigarilyo
- Dapat taasan ang buwis sa mga binebentang sigarilyo.

Argumento:
    1. Isang napakalaking industriya ng sigarilyo at ang pag tataas ng buwis dito ay magtatalaga ng dagdag pondo para sa gobyerno.
    2. Magiging kakaunti ang mga naninigarilyo dahil sa mataas na presyo, kaya naman mas bubuti ang kalusugan ng maraming tao.
    3. Mas hindi magugutom ang mga tao dahil ang perang pambili sana ng sangkatutak na pakete ng sigarilyo ay magagamit pambili ng pagkain.

  1. Facebook
- Ang Facebook ay nakasasama sa tao.

Argumento:
    1. Ang Facebook ay isang sosyal na simulasyon kaya naman madaling nahuhumaling ang mga tao na di naglalayo na umabot sa adiksyon dahil sa dali ng pag gamit nito.
    2. Ang Facebook ay isang pampublikong lokasyon sa internet kaya naman ang mga impormasyon at litratong iyong naipapakita ay maaaring magamit sa masamang paraan.
    3. Lugar ang Facebook ng cyber bullying.

  1. Jejemon
- Dapat ipagbawal ang pagkalat ng lengwaheng jejemon.

Argumento:
    1. Ang salitang ito ay mahirap basahin.
    2. Mahirap matutunan magsulat ng jejemon.
    3. Ang istilong jejemon ay hindi efficient at sayang sa enerhiya gamitin, sabihin, at isulat.

  1. Vandalism
- Ang bandalismo ay isang masamang gawain na dapat ay may panukalang batas na magpapakulong sa mga gumagawa nito.

Argumento:
    1. Ang di otorisadong pag guhit o pagmanipula sa mga pampublikong istruktura ay nakadudumi sa kapaligiran.
    2. Kadalasan sa mga bandalismong makikita ay higit na nakakapinsalang personal.
    3. Ito ay hindi gawain ng matinong tao.

  1. Basura
- Ang mga nagtatapon ng basura sa mga ilog ay dapat makulong na pang habambuhay.

Argumento:
    1. Ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan ay nakapipinsala ng husto sa kapaligiran.
    2. Ang mga basurang wala sa tamang tapunan ay maaaring magkalat ng sakit.
    3. Ang basurang nakakalat ay nakababawas sa ganda ng kapaligiran na magpapapangit sa kabuuang imahe ng isang lugar o ng atin mismong bansa.

  1. Jeep
- Dapat magkaroon ng ruta ng jeep na dumadaan sa loob mismo ng Science Complex ng UP Diliman.

Argumento:
    1. Masyadong isolated ang Science Complex sa buong UP habang may malaking porsiento ng mga mag aaral ang may subject dito.
    2. Masyadong magkakalayo ang mga gusali ng Science Complex.
    3. Nakakatakot lakarin ang loob ng Science Complex dahil sobrang kakaunti pa lang ng mga naitalagang gwardya.

  1. Tisa
- Mas mainam kung puro whiteboard na lang ang sulatan sa mga classroom.

Argumento:
    1. Nakakahika ang mga abo ng tisa.
    2. Ang tisa ay makalat gamitin.
    3. Ang tisa ay nakaiirita sa balat.

  1. Pag-ibig
- Hindi kumpleto ang buhay pag walang pag-ibig.

Argumento:
    1. Ang pagmamahal ay ang isa sa mga sarap ng buhay na walang kaparis.
    2. Ang pag-ibig ay naghuhulma ng pagkatao tungo sa mabuti.
    3. Ang pag-ibig ay naghahatid ng walang hanggang karamay sa buhay.

  1. Harana
-Dapat maibalik sa kulturang pinoy ang paghaharana.

Argumento:
    1. Ang paghaharana ay ang isang siguradong paraan na pag alam sa hangganan ng makakaya ng isang lalaki para sa babae.
    2. Ang paghaharana ay nagpapakita ng tapang.
    3. Ang paghaharana ay isang klasikong paraan sa pagligaw ng babae.

  1. Friendship
- Mas matimbang ang pagkakaibigan kesa sa pagmamahalan.

Argumento:
    1. Ang pagkakaibigan ay walang pinipili.
    2. Mas mahirap buwagin ang pagkakaibigan.
    3. Mas nagtatagal ang magkaibigan kesa sa magkarelasyon.