Utos:
1. Matuto tayong maging mga disiplinado.
a. Katumbas na ideya: Ang mga mahuhusay na tao at kanilang mga tagumpay ay nagmumula sa kanilang pagiging disiplinado.
b. Maikling bio: Si Harry S. Truman, na ipinanganal noong May 8, 1884 , ay ang ika-33 na pangulo ng Estados Unidos.
c. Iba pang mga ideya:
i. Huwag pipilitin ang hindi kayang gawin.
ii. Walang pagsisisihan sa isang gawaing nagawa para sa nakabubuti ng mas marami.
2. Pagtuonan ng pansin ang mga estudyante sapagkat sila ang pag-asa ng bayan.
a. Ang kaalaman ng tao ay lakas.
b. Maikling bio: Si Francis Bacon ay isang pilosopong ingles na nabuhay noong Enero 22, 1561.
c. Iba pang mga ideya:
i. Ang kahit anong moral na gawain ay dulot ng natural na kagustuhan ng tao na itinutulak ng kanyang mga pananalig at pinaniniwalaan.
ii. Ang tao ay iba-iba.
3. Huwag nang tangkilikin ang mga bagay na nakakaadik.
a. Katumbas na ideya: Lahat ng bagay na nakakaadik ay masama, maski alcohol, bawal na gamot o idealism.
b. Maikling bio: Si Carl Jung ay isang swiss psychiatrist na nabuhay noong Hulyo 26, 1875.
c. Iba pang mga ideya:
i. Ang karapatang pang indibidwal ay ang nagtatali ng relasyon ng isang tao sa kanyang bayan at lipunan.
ii. Ang lubos na pagmamahal sa bayan ang nagtatanggal ng kalayaan at moralidad sa tao.
4. Panatilihing malinis ang kapaligiran.
a. Katumbas na ideya: Ang isang bagay ay mabuti kung ito ay tungo sa pag preserba ng integridad, kaayusan at kagandahan ng nabubuhay na lipunan.
b. Maikling bio: Isang ecologist at pilosopong pangkalikasan si Aldo Leopold na ipinanganak noong January 11, 1887 .
c. Iba pang mga ideya:
i. Ang kapaligiran ang nagtutulak ng pagmamahal tungo sa lipunan.
ii. Ang kalagayan ng lupa ang nagdidikta ng estado sa lipunan ng tao.
5. Panatilihing malusog ang pangangatawan.
a. Katumbas na ideya: Ang pinakamahalagang kayamanan ay kalusugan.
b. Maikling bio: Si Virgil ay isang klasikong Romanong manunulat ng tula na nabuhay noong Oktubre 17 ng taong 70 BCE.
c. Iba pang mga ideya:
i. Ang magandang pagkakataon at swerte ay umaayon sa mga matatapang.
ii. Nasasakop ng pag-ibig ang lahat.
6. Maging responsible tayong mga mamamayan.
a. Katumbas na ideya: Ang pagkamamamayan ay binubuo ng pagsisilbi sa
bayan.
b. Maikling bio: Si Jawaharlal Nehru, na nabuhay noong Nobiyembre 14 1889, ay ang pinaka mahabang nanilbihang prime minister ng India .
c. Iba pang mga ideya:
i. Ang isang gawain, para maging makabuluhan, ay dapat nakatuon sa malinaw na kahihinatnan
ii. Ang pagsasawalang bahala ay takot sa pagbabago.
7. Pag-ibayuhin ang mga nakaugalian na nating mga tradisyon.
a. Katumbas na Ideya: Ang mga tradisyon ay gumagawa ng isang sosyal na kaayusan dahil sa paggawa nito ng pagpapaniwalaan ng tao at kapag mas maraming taong naniwala sa mga tradisyon na ito ay lalo pang taas ang kaayusan sa lipunan.
b. Maikling bio: Si David Emile Durkheim ay isang sociologist na nabuhay noong 1858 hanggang 1917. Siya ang nagtayo ng kaunaunahang Departamento ng Sosyolohiya sa Europa.
c. Iba pang mga ideya:
i. Ang relihiyon ay nagtatalaga ng kaayusan sa lipunan.
ii. Ang kultura ay nagmula sa lipunan at ito ang gumagawa ng klasipikasyon ng mga tao.
No comments:
Post a Comment