Thursday, November 18, 2010

Bente Tres na kung anu-ano.

  1. Junk Food
- Dapat ipagbawal ang pagbebenta ng junk foods sa mga kantina ng mga pampublikong paaralan.

Argumento: 
    1. Ang junk food o sitsirya ay walang sustansiyang maibibigay sa bata para sa ikabubuti ng katawan nito.
    2. Ang mga balat o pinaglagyan ng mga ganitong pagkain ay mag dudulot lamang ng karagdagang dumi sa kapaligiran.
    3. Nahuhumaling ang mga kabataan sa pagbili nito imbis na masustansiyang pagkain dahil sa mura ito at masarap.

  1. Budget Cut
- Dapat itigil ang panukalang pagbabawas sa budget sa edukasyon para sa mga State Universities/Colleges (SUC’s).

Argumento:
    1. Magmamahal ang matrikula.
    2. Ang edukasyon na isang karapatan ay magiging isang commodity na ang mga mayayaman lamang na higit na may kayang bumili ang makakatamasa.
    3. Kaawa-awa na nga ang lagay ng karamihan sa mga SUC’s, babawasan pa ng pondo.

  1. Chewing Gum
- Bawal idura/idikit/itapon sa kung saan-saan ang nginuyang chewing gum.

Argumento:
    1. Ang laway sa chewing gum ay maaaring magdala ng air borne diseases na makasasama sa mga tao.
    2. Kapag minalas, mahirap tanggalin sa damit ang nanikit na chewing gum.
    3. Ang gamit na chewing gum ay isang basura, kaya naman ang pagtapon nito sa kahit saan ay makadudumi at makasisira sa kapaligiran.

  1. Sex Education
- Dapat ipatupad ang panukalang batas na nagsasabing ituro ang Sex Education sa elementarya at high school.

Argumento:
    1. ang pag expose sa kabataan sa mga impormasyon tungkol sa pagtatalik ay ang maaaring gumabay sa kanila sa pagdesisyon ukol sa nasabing bagay.
    2. Maaaring bumaba ang kaso ng aborsyon.
    3. Maaaring bumaba ang bilang ng populasyon dahil sa pagkalat ng kaalaman sa tamang family planning.

  1. Asong Kalye (“Askal”)
- Dapat hinuhuli ang mga asong kalye.

Argumento: 
    1. Kapag nakakagat ang askal, walang sinumang pwedeng habulin ang biktima para hingian ng tulong sa pagpapagamot.
    2. Kapag nasagasaan ang mga ito, ang kanilang mga bangkay ay maaaring magkalat ng sakit sa tao o sa iba pang hayop.
    3. Sila ay humahadlang tungo sa isang malinis na kapaligiran dahil sa walang gabay na pagtae sa kung saan-saan.

  1. Bus
- Tama lang na sila ay patawang ng “coding” o restriksyon sa pag pasada.

Argumento:
    1. Sa laki at dami nila, di hamak na sila’y isa sa mga punong dahilan ng trapik sa EDSA.
    2. Nang ipatupad ang coding, nagkaroon ng krisis sa pag commute ngunit hindi ang coding ang dahilan, bagkus ang mga kumpanya ng bus na tumigil sa pag pasada.
    3. Karamihan sa mga driver ng bus ay barumbado kaya ang pagbawas sa dami nila ay magtatalaga ng higit na kaligtasan sa commuting public.

  1. Drugs
- Bawal ang drugs.

 Argumento:
    1. Ang drugs ay nakakaadik.
    2. Malaki ang itim na industriya ng droga, na siya namang pumapatay sa ating ekonomiya.
    3. Maraming tao ang magiging walang kwenta sa lipunan dahil sa basag na buhay dahil sa drugs.

  1. Lunch Break
- Dapat may pang-unibersidad na oras pananghalian.

    1. Maraming estudyante ang hindi na nakakakain ng tanghalian dahil sa tuloy tuloy na klase na kadalasan ay pwersadong naitalaga sa kanila.
    2. Maraming pro fang hindi na nakakakain at nagkakasakit dahil sa tuloy-tuloy na pagtuturo.
    3. Kailangan ng break para maiayos ang mga dapat ayusin sa mga silid para sa panghapon na bahagi ng araw.

  1. Stipend
- Dapat may stipend na kahit P500 buwan-buwan ang mga estudyante.

Argumento:
    1. Ang perang ito ay lalong makakatulong sa mga estudyanteng may pamilyang higit na di pinagpalad sa buhay.
    2. Ang stuipend para sa karamihan ay isang motibasyon na siyang magtutulak sa pag-aaral ng mabuti.
    3. Sa hirap na dinaranas ng mga mag-aaral, kailangan nila ng kahit kaunting pampasarap sa buhay man lang.

  1. Haircut
- Dapat tanggalin ang mga haircut rule sa mga paaralan.

Argumento:
    1. Karapatan ng bwat bata na iexpress ang kanyang sarili at kanyang katawan sa anumang paraan na kanyang magugustuhan.
    2. Problema na ng bata kung pano aayusin ang sarili niya.
    3. May mga mukha na talaga namang mas bagay ang mahabang buhok.

  1. Jueteng
- Ang pagpapasa-ligal ng jueteng ay makakatulong sa ekonomiya.

Argumento:
    1. Ang jueteng ay isang talamak na sugal na nilalaro ng napakaraming tao na siya naman bubuo ng maraming kita para sa pamahalaan.
    2. Ang jueteng ay isang malaking itim na industriya na sa pagka illegal ay humihigop ng malaking pera sa gobyerno sa kawalan ng regulasyon at tax.
    3. Ang jueteng ay maaaring maging katulad ng lotto na tumutulong sa pagkawanggawa.

  1. Computer Games
- Ang paglalaro ng computer games ay nakabubuti sa tao.

Argumento:
    1. Ang paglalaro sa computer ay masasabing isang paraan ng recreation na magtatanggal ng stress na makabubuti sa kabuuang mental na kaayusan ng tao.
    2. Ang mga laro ay nagpapabuti sa koordinasyon ng isip at galaw ng sinumang naglalaro.
    3. Ang mga larong ito ay humihingi ng higit na bilis sa pag desisyon ng naglalaro, na siya namang naglilinang sa kakayahan nito sa pag diskarte.

  1. Gawaing bahay
- Dapat walang binibigay na gawaing bahay ang mga guro.

Argumento:
    1. Mas mainam ang mga gawain sa loob ng silid dahil ito ay nasusubaybayan nang mabuti ng mga guro.
    2. Ang paggawa ng gawaing bahay ay kumakain sa oras sa bahay para makapag usap-usap ang pamilya o magkakamag-anak.
    3. Ang pag check sa mga gawaing bahay ng mga estudyante ay hinahadlangan ang mga guro para makapag isip ng iba pang mga estratehiya upang maging masaya at makabuluhan ang diskusyon sa klase.

  1. Sigarilyo
- Dapat taasan ang buwis sa mga binebentang sigarilyo.

Argumento:
    1. Isang napakalaking industriya ng sigarilyo at ang pag tataas ng buwis dito ay magtatalaga ng dagdag pondo para sa gobyerno.
    2. Magiging kakaunti ang mga naninigarilyo dahil sa mataas na presyo, kaya naman mas bubuti ang kalusugan ng maraming tao.
    3. Mas hindi magugutom ang mga tao dahil ang perang pambili sana ng sangkatutak na pakete ng sigarilyo ay magagamit pambili ng pagkain.

  1. Facebook
- Ang Facebook ay nakasasama sa tao.

Argumento:
    1. Ang Facebook ay isang sosyal na simulasyon kaya naman madaling nahuhumaling ang mga tao na di naglalayo na umabot sa adiksyon dahil sa dali ng pag gamit nito.
    2. Ang Facebook ay isang pampublikong lokasyon sa internet kaya naman ang mga impormasyon at litratong iyong naipapakita ay maaaring magamit sa masamang paraan.
    3. Lugar ang Facebook ng cyber bullying.

  1. Jejemon
- Dapat ipagbawal ang pagkalat ng lengwaheng jejemon.

Argumento:
    1. Ang salitang ito ay mahirap basahin.
    2. Mahirap matutunan magsulat ng jejemon.
    3. Ang istilong jejemon ay hindi efficient at sayang sa enerhiya gamitin, sabihin, at isulat.

  1. Vandalism
- Ang bandalismo ay isang masamang gawain na dapat ay may panukalang batas na magpapakulong sa mga gumagawa nito.

Argumento:
    1. Ang di otorisadong pag guhit o pagmanipula sa mga pampublikong istruktura ay nakadudumi sa kapaligiran.
    2. Kadalasan sa mga bandalismong makikita ay higit na nakakapinsalang personal.
    3. Ito ay hindi gawain ng matinong tao.

  1. Basura
- Ang mga nagtatapon ng basura sa mga ilog ay dapat makulong na pang habambuhay.

Argumento:
    1. Ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan ay nakapipinsala ng husto sa kapaligiran.
    2. Ang mga basurang wala sa tamang tapunan ay maaaring magkalat ng sakit.
    3. Ang basurang nakakalat ay nakababawas sa ganda ng kapaligiran na magpapapangit sa kabuuang imahe ng isang lugar o ng atin mismong bansa.

  1. Jeep
- Dapat magkaroon ng ruta ng jeep na dumadaan sa loob mismo ng Science Complex ng UP Diliman.

Argumento:
    1. Masyadong isolated ang Science Complex sa buong UP habang may malaking porsiento ng mga mag aaral ang may subject dito.
    2. Masyadong magkakalayo ang mga gusali ng Science Complex.
    3. Nakakatakot lakarin ang loob ng Science Complex dahil sobrang kakaunti pa lang ng mga naitalagang gwardya.

  1. Tisa
- Mas mainam kung puro whiteboard na lang ang sulatan sa mga classroom.

Argumento:
    1. Nakakahika ang mga abo ng tisa.
    2. Ang tisa ay makalat gamitin.
    3. Ang tisa ay nakaiirita sa balat.

  1. Pag-ibig
- Hindi kumpleto ang buhay pag walang pag-ibig.

Argumento:
    1. Ang pagmamahal ay ang isa sa mga sarap ng buhay na walang kaparis.
    2. Ang pag-ibig ay naghuhulma ng pagkatao tungo sa mabuti.
    3. Ang pag-ibig ay naghahatid ng walang hanggang karamay sa buhay.

  1. Harana
-Dapat maibalik sa kulturang pinoy ang paghaharana.

Argumento:
    1. Ang paghaharana ay ang isang siguradong paraan na pag alam sa hangganan ng makakaya ng isang lalaki para sa babae.
    2. Ang paghaharana ay nagpapakita ng tapang.
    3. Ang paghaharana ay isang klasikong paraan sa pagligaw ng babae.

  1. Friendship
- Mas matimbang ang pagkakaibigan kesa sa pagmamahalan.

Argumento:
    1. Ang pagkakaibigan ay walang pinipili.
    2. Mas mahirap buwagin ang pagkakaibigan.
    3. Mas nagtatagal ang magkaibigan kesa sa magkarelasyon.

1 comment:

  1. Salamat sa karagdagang kaalaman,marami akong natotonan sa sinulat moSakit.info

    ReplyDelete